WebClick Tracer

Netizens nagulat, nalungkot sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

Ilang netizen ang nagulat at nalungkot matapos malaman ang pagpanaw ng beteranong aktres na si Jaclyn Jose.

Ayon sa source ng Abante, natagpuan ang aktres na wala nang buhay sa Loyola Grand Villas sa Quezon City noong Linggo ng gabi.

Narito ang reaksyon ng mga netizen sa pamamaalam ng aktres:

“Nakakaiyak Buhay pa naman ang Role nya Sa Batang Quiapo Mamiss Natin sya Ms Jacklyn Jose as Chief Espinas.”

“Nakakalungkot. Sobrang fulfillment nung nakapasok siya sa Batang Quiapo tapos nabaril siya. Tapos eto naman… Grabe.”

“Di ako makapaniwala. Ang bata pa nyan nakakalungkot sobra.”

Huling napanood si Jaclyn sa ‘Batang Quiapo’, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on