WebClick Tracer

Naglipanang surot, daga sa NAIA pinaiimbestigahan sa Kamara

Isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang imbestigahan ang napaulat na surot infestation at paglalakwatsa ng daga sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maituturing umanong banta sa kalusugan ng mga pasahero at empleyado.

Sa House Resolution 1615, hiniling din ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino na silipin din ang mahabang pila ng mga pasahero sa immigration checking counters.

“We recognize that the officials of the Manila International Airport Authority (MIAA) immediately addressed the complaints on bed bugs, rats, and cockroaches in NAIA. However, given the repeated problems in NAIA and its tag as one of the world’s worst airports, we have to look into the compounded issues, more so since NAIA has revenues to address basic operational concerns such as sanitation and congestion,” sabi ni Magsino.

“Sa Fiscal Year 2023, napabalitang umabot sa higit na P3 bilyon ang net income ng MIAA mula sa mga terminal fees, concession privileges, at aeronautical fees. Kaya’t tayo’y nagtataka kung bakit ang sanitation at traffic congestion sa palibot ng NAIA ay malaking isyu kung may pondo naman sa maayos na pagpapatakbo ng ating paliparan,” dagdag pa nito.

Habang mayroon na umanong plano para sa pagsasapribado ng operasyon ng NAIA, sinabi ni Magsino na dapat ay magkaroon ng agarang hakbang upang masolusyunan ang mga natukoy na problema sa mga terminal ng paliparan na nakakasira sa imahe ng bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on