WebClick Tracer

Mga solon kinondena pagpasok ng Chinese ships sa Benham Rise

Kinondena ng mga kongresista ang napaulat na pagpasok ng mga sasakyang pangdagat ng China sa Benham Rise, na kilala rin bilang Philippine Rise kamakailan.

Hinimok ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Foreign Affairs (DFA) na agad maghain ng diplomatic protest laban sa ginawa ng China.

“The intrusion of Chinese survey ships into the Philippine Rise east of our country, which is inside our exclusive economic zone, is concerning. The government should lodge a protest with Beijing every time they trespass on our territory, whether in Benham Rise or the West Philippine Sea,” sabi ni Rodriguez.

“Gusto yata tayong unahan sa pag-survey at pag-explore ng lamang yaman ng dagat at ng seabed duon,” dagdag pa ng solon.

Ang lugar ay idineklarang “protected food supply exclusive zone” noong Mayo 2017, ayon kay Rodriguez.

Umapela rin ang solon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dalhin sa ibang bansa ang ginagawa ng China sa Pilipinas.

Pinuri naman ni Rodriguez si Marcos sa pagdadala nito ng usapin sa Australian parliament.

Ang pagdating ng dalawang Chinese research ship sa Benham Rise ay iniulat ng American maritime security analyst at dating US Air Force official Ray Powell.

Kinondena rin ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang seryosong banta na dala ang pagpasok ng mga research ship ng China sa Benham Rise.

“The ongoing actions of China in the disputed waters are worrisome, and the Philippine government must remain vigilant in protecting our territorial integrity and maritime rights,” sabi ni Castro.

Nanawagan si Castro sa administrasyong Marcos na ang bigyang prayoridad ay kung papaano matutugunan ang problemang dulot ng China sa halip na ang Charter change. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on