WebClick Tracer

LTO nagbukas ng bagong satellite office sa San Mateo, Rizal

Nagbukas ang Land Transportation Office (LTO) ng bagong satellite office sa San Mateo, Rizal bilang tugon sa dumaraming transaksyon sa ahensya para sa drivers license at pagproseso na may kaugnayan sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II na ang bagong satellite office ay matatagpuan sa 122 General Luna Ave., Brgy. Ampid 1, bayan ng San Mateo.

Ayon kay LTO-Region IV-A regional director Cupido Gerry Asuncion, ang San Mateo Extension Office ay itinatag sa pamamagitan ng Office Order No. 2019-287 at orihinal na matatagpuan sa Kambal Road, Brgy. Gitnang Bayan, San Mateo, Rizal.

Ngunit ang isang bahagi ng gusali ay nasira bilang resulta ng bagyong ‘Ulysses’ noong Nobyembre 12, 2020.

Dahil dito, nagkaroon ng kasunduan para sa relokasyon ng LTO San Mateo Extension Office sa isang mas accessible at ligtas na lugar. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on