WebClick Tracer

Kyle Echarri ‘dyowa for a day’ ni Andrea Brillantes

Kilig ang hatid ng tambalang “KyleDrea” nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes sa pagkasa nila sa challenge na “Jowa For a Day”.

Sa inilabas na vlog ni Andrea Brillantes, makikita ang lampungan nila ala-magdyowa.

Ang siste aakto silang tunay na mag-boyfriend at girlfriend sa loob lamang ng 24 oras.

Ginawa ng dalawa ang karaniwang ginagawa ng mag-dyowa katulang ng sweet moments, pagkain sa labas, pagba-bonding at pamamasyal sa iba’t ibang lugar, at paghawak ng kamay habang naglalakad o “HHWW.”

For content lang daw iyon at walang halong malisya. Nilinaw rin nila na wala namang masasaktan dahil pareho silang single.

Napacomment naman ang mga netizen sa vlog ni Andrea.

“Blythe hopefully u will give chance kay Kyle…super genuine niya sayo. You know a man is inlove if lahat ng ginagawa mo super happy lang siya. Look at his smile, hindi nawawala sa face niya. Sana kayo na end game ❤”

“Ay go na, may chemistry kayong dalawa hehehe.”

“this is a ‘jowa content’ but what we saw is REAL, they’re being themselves. we love to see blythe and kyle this carefree 🫶🏼 bonus nalang yung chemistry niyo na napaka visible.”

Matatandaan na nadawit si Andrea sa hiwalayan ng ilang showbiz couple noong 2023 kagaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, maging kay Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Hindi naman nagsalita si Andrea ukol sa mga tsikang ipinupukol sa kanya pero ang sinisiguro niya ay single siya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on