WebClick Tracer

Drug pusher na may kaugnayan kay Kerwin Espinosa, todas sa Leyte

Nasawi ang isang hinihinalang tulak ng droga na may kaugnayan sa self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa isang buy-bust operation sa Ormoc City, Leyte noong Linggo.

Kinilala ni Police Major J-Rale Paalisbo ng Regional Police Drug Enforcement Unit ang suspek na si Sonny Aldamia, residente ng Purok 4, Brgy. Bagong Buhay, Bliss, Ormoc City.

Narekober mula sa suspek ang 14 na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000 at isang baril.

Si Aldamia ang No.1 Regional Priority Target List ng Police Regional Office-8 (Eastern Visayas).

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on