WebClick Tracer

Dahil sa tindi ng init: Modular learning sinisilip ibalik sa Iriga City

Kinokonsidera ng Schools Division Office sa Iriga City ang paggamit ng modular learning sa kabila ng matinding init na nararanasan.

Matatandaan na noong nakaraang taon, pinayagan ng Department of Education (DepEd) Division Office sa Iriga City ang paggamit ng modular learning bilang tugon sa health concerns dulot ng mataas na temperatura.

Binubusisi na ng opisina ang konsiderasyong ito kung kinakailangan.

“Pigde-determine man iyan base sa declaration kang PAGASA. Kung mainit o bako siyang mainit. Kung normal lang ang panahon, mabalik ang mga aki sa classroom. Pero kapag medyo mainit and kaipuhan na mag-declare ang school head provided na may pagkaaram ang SDS,” saad ni Noel Panga, Division Information Officer sa SDO Iriga City.

Nauna nang sinabi ng DepEd na titiyakin nila ang kalidad ng edukasyon ngunit isinasaalang-alang din daw ng ahensiya ang kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on