WebClick Tracer

Chariz Solomon kinumpirma pagkatsugi ng ‘Tahanang Pinakamasaya’

Kinumpirma ng aktres na si Chariz Solomon ang pamamaalam ng programang ‘Tahanang Pinakamasaya’.

Sinagot ng aktres ang tanong ng isang netizen kung last day na ba ng nasabing programa noong Sabado.

“Sadly, opo. But praying for best days ahead.”

Matapos kumpirmahin, pinuri pa ng aktres ang mga nakasama niya sa ‘Tahanang Pinakamasaya’.

“Mababait po ang kasamahan namin dyan at napakagagaling na tao. They work whole heartedly at grabe po ang prinsipyo sa buhay.”

“Kaya po ipagdarasal ko na mabigyan sila agad ng trabaho para sa kanilang pamilya.” dagdag pa nito.

Matatandaang noong Enero, pinalitan na ng TAPE ang pangalan ng kanilang noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya’.

TELETABLOID

Follow Abante News on