WebClick Tracer

6 klasrum sa isang private school sa Batangas natupok

Tinupok ng apoy ang anim na klasrum sa Batangas Eastern Colleges sa bayan ng San Juan nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa Police Region 4A tumagal ang sunog ng 41 minuto na nagsimula alas-7:41 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Sa taya ng mga awtoridad, umabot sa P100,000 ang pinsala ng sunog.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on