WebClick Tracer

14 senador tumukod kay Zubiri

Labing-apat sa 24 senador ang lumagda sa isang ‘statement of support’ para sa liderato ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ang mga lumagda ay sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, Sens. Sonny Angara, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Grace Poe, Nancy Binay, Raffy Tulfo at Mark Villar.

Ang iba pa ay sina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa, Christopher “Bong” Go at Francis Tolentino. Kasama ring lumagda sa resolusyon si Zubiri.

Ang mga hindi naman lumagda ay sina Sens. Cynthia Villar, Imee Marcos, Pia at Alan Cayetano, Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Chiz Escudero at Ramon Bong Revilla Jr.

“We stand firm behind the leadership of Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, under whose guiding hand the Senate has maintained its dignity and independence as one of our nation’s greatest bulwarks of democracy,” sabi sa resolusyon.

Sabi ng mga senador, naging maayos ang samahan sa Senado dahil “consensus-building and consultative leadership” ni Zubiri.

“He shapes the direction of the Senate not with the force of an autocrat, but with the wisdom of a true leader-one who listens, and builds bridges of trust and cooperation,” saad pa ng mga senador.

Pinuri din ng mga lumagdang senador ang maayos na paghawak ni Zubiri ng kontrobersiyal na people’s initiative na mariing tinututulan ng Senado dahil panukalang joint voting ng Kongreso na nakapaloob doon. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on