WebClick Tracer

13K runners sumali sa SM2SM Run sa Cebu City

Naging pinakamalaking marathon sa Cebu City ang 12th edition ng SM2SM Run nitong March 3, 2024.

Binasag ng takbuhan ngayong taon ang sarili nitong rekord dahil umabot sa 13,000 runners mula sa iba’t ibang sulok ng bansa ang nakitakbo rito.

Nalampasan nito ang sariling record noong nakaraang taon na 9,500 kalahok.

Nagsimula ang takbuhan sa malawak na SM Seaside City Cebu complex na matatagpuan sa South Road Properties.

 
 

Ang SM2SM Run sa Cebu City ay isang taunang takbuhan na inorganisa ng SM Prime Holdings, Inc.

Nilalayon nitong isulong ang health and fitness, at pagsasama-sama ng mga komunidad sa pamamagitan ng diwa ng pagtakbo. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on