WebClick Tracer

SnoRene tuloy landian sa ‘Can’t Buy Me Love’

Pinakilig ni Maris Racal ang mga nagsi-ship sa kanila ni Anthony Jennings sa “Can’t Buy Me Love”.

Sinabi niya kasing tuloy pa rin ang kanilang love team sa nasabing Kapamilya teleserye.

“JOKE LAAANG! May Snorene pariiiin!!!! Abangan ang nga mangyayari sa Cant Buy Me Love!” ani Maris.

Bago nito’y nagpahiwatig kasi ang singer-actress na tapos na ang tambalang SnoRene.

“That’s it for snorene salamat sa pagmamahal,” sey niya sa kanyang Facebook post matapos makumpirma na ni Irene (character ni Maris) na hindi talaga siya buntis at walang nangyari sa kanila ni Snoop (Anthony) nang malasing sila sa rooftop.

Nagtapos na rin ang training niya sa Chinese restaurant ni Auntie Cathy kung saan nakatira si Snoop.

Ilalagay na siya ni Auntie Cathy sa business nito sa Bulacan na ang ibig sabihin ay magkakalayo na sila ni Snoop kaya kinagabihan habang nag-iinuman ay nagpaalam na sila sa isa’t isa.

Marami ang nalungkot sa pinost na ito ni Maris. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on