WebClick Tracer

PBBM dumating na sa Australia

Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Melbourne, Australia para sa tatlong araw na 50th ASEAN-Australia Special Summit.

Lumapag ang PR 001 na sinakyan ng Presidente 7:15 p.m. Australia time o 4:15 p.m. sa Pilipinas.

Kasama ng Pangulo ang ilang miyembro ng kanyang gabinete partikular ang kanyang economic managers at si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Mainit na sinalubong ng mga opisyal ng Australia ang Presidente sa Melbourne airport.

Maraming nakalinyang aktibidad at mga dadaluhang pulong ang Presidente sa loob ng tatlong araw at makikipagkita rin ito sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Australia.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 320,000 na mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa nabanggit na bansa.

Kasama sa pakay ng Presidente sa Australia bukod sa pagpapalakas sa relasyon ng Pilipinas at Australia ang paghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan para magnegosyo sa bansa. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on