WebClick Tracer

P175M jackpot ng Ultra Lotto nasolo

Tiba-tiba ang isang mananaya matapos niyang masolo ang mahigit P175 milyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na binola noong Marso 1, 2024.

Inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na sa isang lotto outlet sa Amang Rodriguez Avenue sa Santolan, Pasig City tinayaan ang winning ticket.

Lumabas na kombinasyon sa Ultra Lotto noong Biyernes ang 04-07-57-05-54-47 na may jackpot prize na P175,160,965.20.

Dino-draw ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, walang nanalo sa Mega Lotto 6/45. Ang masuwerteng kumbinasyon ay 15-08-17-24-31-12, na may jackpot prize na P8.9 milyon. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on