WebClick Tracer

NorthPort umeskapo ng OT win kontra Converge

Nalusutan ng NorthPort Batang Pier ang Converge FiberXers, 112-104, sa isang makapigil hiningang laban na inabot ng overtime nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Humarabas ang Batang Pier mula sa pagiging dehado ng 18 points noong third quarter at pumasok pa nga sila na may tinitingalaan na 15 point na lamang papasok ng ika apat na yugto ng laro.

Dito na naghigpit ang depensa ng Batang Pier kung saan tila walang sagot ang FiberXers. Nagmistulang sunod sunod na fastbreak noong 4th quarter kung saan inoutscore ng NorthPort ang Converge 31-16.

Lumamang pa nga ang Batang Pier ng apat bago humabol din ng bahagya ang FiberXers para ipilit ang overtime.

Para sa wala rin ito dahil sa overtime 16-8 ang score para sa Batang Pier na bumawi sa overtime na talo nila kontra NLEX noong huli nilang laro.

Pumutok ang star player na si Arvin Tolentino para sa Batang Pier na may almost triple double na may 31 points, eight rebounds, at 11 assists.

Si Tolentino ang pinakamalaking dahilan ng paghabol ng fourth quarter pero ang kanyang supporting cast ang kumana noong overtime kung saan sina Joshua Munzon, Cade Flores, at William Navarro na ang naghatid sa Batang Pier patungo sa panalo.

Tila ikakainis ng Converge ang dami ng kanilang turnovers kung saan ang grupo ni Aldin Ayo ay nagsurrender ng 31 sa buong laro at masakit na 17 sa fourth quarter at overtime magkasama.

Siguradong natuwa ang mga PBA fans ngayong linggo sa dalawang laro na napanood dahil ang unang laban ay isang gitgitan din na harapan kung saan hinabol din ng Terrafirma Dyip ang NLEX Road Warriors para magtapos 99-95. (Miguel Dumlao)

TELETABLOID

Follow Abante News on