WebClick Tracer

LeBron unang NBA player umabot sa 40,000 points

Gumawa ng panibagong kasaysayan sa NBA si LeBron James.

Siya ang kauna-unahang player nito na nakapagbuslo ng 40,000 points.

Nangyari ang makasaysayang basket nang malampasan ni James si Michael Porter Jr., at nag-layup sa natitirang 10:39 sa second quarter ng laro ng Los Angeles Lakers laban sa Denver Nuggets nitong Linggo (Manila time).

Noon lamang November 2023 ay naging unang player din si “King James” na umabot sa 39,000 career points.

Bukod pa ito sa natamo niyang milestone nang hakbangan si Kareem Abdul-Jabbar at maging numero unong player sa All-Time scoring list ng NBA noong February 2023.

Pinanis niya rin sa scoring sina Karl Malone, Kobe Bryant, Michael Jordan, Dirk Nowitzki, Wilt Chamberlain, Shaquille O’Neal, Carmelo Anthony at Moses Malone.

Samantala, sinira ng Nuggets ang selebrasyon ni James dahil nilampaso nito ang Lakers, 124-114, sa harap ng crowd sa Crypto.com Arena. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on