WebClick Tracer

Jaclyn Jose pumanaw na

Yumao na ang magaling na aktres na si Jaclyn Jose.

Ayon sa source ng Abante, natagpuan ang aktres na wala nang buhay sa bahay nito sa Quezon City nitong Linggo ng gabi, Marso 3.

Habang isinusulat ito ay wala pang anunsiyo ang pamilya kaugnay sa pagpanaw ng aktres.

Naulila ni Jaclyn ang kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond.

Nakilala si Jaclyn, o Mary Jane Guck sa tunay na buhay, sa kalmado niyang pagbibitaw ng mga linya sa pelikula man o teleserye.

Ilan sa mga role niyang sumikat siya nang gampanan si Magda sa “Mula Sa Puso” ng ABS-CBN kasama sina Claudine Barretto, Rico Yan, Diether Ocampo at Princess Punzalan.

Huling napanood si Jaclyn sa teleserye na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na pinagbibidahan ni Coco Martin.

TELETABLOID

Follow Abante News on