WebClick Tracer

Angeline Quinto preggy na uli?

Ichinika ni Ogie Diaz ang vision niyang one of these days ay may isang singer na aamin na buntis sa pangalawang anak.

Nagbigay ng clue si Ogie na non-showbiz ang tatay pero kilala na rin ng mga tao dahil madalas makita sa social media.

“One of these days talaga, mapapa-declare itong singer na ito, na baka magpahinga muna siya or magpatuloy pa rin sa kanyang trabaho since kaya naman niya ang pagbubuntis niya,” saad ni Ogie D sa “Showbiz Update”.

“Pero excited siya sa kanilang second baby,” dagdag pa niya.

Sey ni Ogie, may initials ang singer na “Ikaw o Ako”.

“Parang ganoon bigkasin ang kanyang initials,” wika pa ng talent manager-vlogger.

Hula ng mga netizen, si Angeline Quinto ang sinasabi ni Ogie D.

“Angeline Quinto – AQ – AKO.”

“Same here angeline quinto din ang hula ko.”

“Angge Congratssss.”

April 2022 nang isilang ni Angeline ang first baby niya na si Sylvio. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on