WebClick Tracer

Gunman hinahabol kaaway, aksidenteng napatay tricycle driver

crime-scene-

Inaresto ng mga awtoridad ang isang gunman na aksidenteng nakapatay sa isang tricycle driver habang binabaril ang kaniyang tunay na target sa San Andres Bukid, Maynila noong Huwebes.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Vergilio Celis Jr., 32 taong gulang, residente ng San Andres Bukid.

Ayon sa mga saksi, hinahabol ng suspek ang kaniyang kaaway na si Ferdinand Fontanilla sa kahabaan ng Onyx Street sa San Andres.

Sunod-sunod umano ang pagpapaputok ng baril ng suspek at nasugatan sa likod si Fontanilla.

Ngunit isa sa mga bala ang tumama kay Gonzalo Pacheco, na nakikipag-inuman lang kasama ang kaniyang mga kamag-anak sa kalye.

Nagtangkang tumakas pa ang suspek ngunit nakorner at naaresto siya ng mga awtoridad na dumadaan sa lugar.

Isinugod naman sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Pacheco dahil sa tama ng baril sa likod habang nakaligtas naman si Fontanilla. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on