WebClick Tracer

Barangay kagawad arestado sa buy-bust operation sa Kidapawan City

Arestado ang isang barangay kagawad sa buy-bust operation sa Kidapawan City noong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Vergel Banga, kagawad ng Brgy. Katipunan, Kidapawan City.

Nasamsam mula kay Banga ng Philippine Drug Enforcement Agency at Kidapawan City Police Station ang ilang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000.

Sinabi ni PDEA-12 Regional Director Aileen Lovitos na isinailalim sa surveillance ang suspek nitong nakaraang buwan kasunod ng intelligence reports na sangkot siya sa illegal drug trade.

Si Banga ay nakalista bilang drug surrenderer noong 2017 na sumailalim sa rehabilitasyon. Tumakbo siya at nanalo noong 2023 barangay elections. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on