WebClick Tracer

Nadine Lustre wish makapag-develop ng bagong lungsod: ‘Para na tayong sardines sa Manila’

Umaasa si Nadine Lustre na makapag-develop ng bagong lungsod o probinsya dahil masyado na raw masikip sa Metro Manila.

Ito ang naging saad ng aktres sa isang interview ng Vogue Philippines.

“I find it weird na everyone wants to be in Manila. We’re so cramped up in this city… There are so many people here, para na tayong sardines here sa Manila. We’re so concentrated here kasi,” ani Nadine.

“I wish that eventually they would develop another city. Or another province so that we become decentralized,” dagdag pa niya.

Si Nadine ang bagong cover ng Vogue Philippines kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Month ngayong 2024. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on