WebClick Tracer

Nadine Lustre wapakels sa celebrity hiwalayan: Iflinex non-showbiz bf

Sa kabi-kabilang mga hiwalayan sa showbiz, matatag ang relasyon ng aktres na si Nadine Lustre at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Christophe Bariou.

Sa Instagram account ni Nadine, iflinex niya pa ang kanyang sarili pati na rin ang dyowa nito.

Nasa isang beach sila nagbabakasyon na kung saan makikita sa mga larawang kuha ang malinis na dagat, mga pagkaing inihanda nila at maging ang kanilang mga alagang aso.

Sa mga larawan din, hindi nagpahuli ang pa-bikini photo ni Nadine.

“Tao pt. 1” caption ni Nadine.

Masaya naman ang fans sa tahimik na buhay pag-ibig ng aktres na malayo sa ingay ng hiwalayan ngayon sa industriya ng showbiz. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on