WebClick Tracer

Maja Salvador, Rambo Nuñez namakyaw ng gamit ng baby

Namili na ng mga gamit ng kanilang first baby sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Sa Instagram, ibinahagi ng Urban Essentials Philippines ang isang video kung saan namili sina Maja at Rambo.

“Shopping galore para kay baby Ramba! First time parents-to-be @maja and @rambonunez complete their baby and parenting essentials at Urban Essentials,” sabi nito sa post.

“Ganun talaga guys, pag first time, yun ang pinakamadaming bibilhin at pinaka magastos,” dagdag nito.

Nitong February ginanap ang baby reveal nina Maja at Rambo, at nalantad na baby girl ang una nilang anak. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on