WebClick Tracer

Toni Rose sa TVJ: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

Tinawag ni former “Eat Bulaga” host Toni Rose Gayda na blessing na nakatrabaho niya sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Sa vlog ni Julius Babao, inihayag ni Toni Rose kung gaano kasarap kasama ang TVJ.

“If there’s a blessing that I would consider is nakatrabaho ko ang TVJ because talaga ang sarap nilang katrabaho, ang sarap nilang kasama… si Joey would really make you feel welcome. Si Bossing naman sobrang bait kaya lang mahiyain,” aniya.

Taong 2014 nang iwan ni Toni Rose ang longest-running noontime show dahil sa pagkakasakit ng kanyang mga kapamilya.

Nagkasakit ang mommy niya pati na rin ang dalawang anak niya.

“Hindi ko nakayanan. Sabi ko, I cannot give my best and nahiya naman ako kay Mr. Tuviera, kay Malou,” kuwento niya kay Julius.

TELETABLOID

Follow Abante News on