WebClick Tracer

Unang linggo ng voter registration dinumog: Mahigit 340K bagong botante naitala

Pumatak sa mahigit 340,000 bagong botante ang naitala ng Commission on Elections (Comelec) sa unang linggo ng isinasagawa nilang voter registration para sa 2025 midterm elections.

Sa datos ng Comelec, nasa 348,349 bagong botante ang kanilang naitala sa nationwide registration mula lamang noong Pebrero 12 hanggang 17, 2024.

Pinakamaraming naitalang bagong botante sa Region IV-A (Calabarzon) na nasa 61,736 at sa Metro Manila na nasa 48,187 bagong registrants.

Dahil dito, natuwa si Comelec Chairman George Erwin Garcia dahil dumami ang turnout sa unang linngo ng voter registration.

Kumpiyansa rin si Garcia na maaabot ang target na makapagrehistro ng tatlong milyong bagong botante, bago matapos ang voter registration.

Matatandaan na nagsagawa ng naturang voter registration para sa nalalapit na 2025 national and local elections.

Nagsimula ang registration noong Pebrero 12 at magtatapos sa Setyembre 30, 2024. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on