WebClick Tracer

TVJ nadawit sa isyu ni Cristy Fermin kay Dominic Roque

Nadamay sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa isyu ni Cristy Fermin kay Dominic Roque.

Sa “Cristy Ferminute” nitong Pebrero 21, sinabi ng batikang showbiz columnist na nasilip ng ilan niyang kaibigan kung bakit na-single out siya o siya lang ang itinuro ni Dominic at Mayor Bullet Jalosjos sa isyu.

“Ayon sa aking mga kaibigan… ang sabi nila, ‘Dahil kasi TVJ supporter ka, defender ka’. Parang ang linaw po nu’ng mensahe. Pero mas gusto ko pong paniwalaan na ako ang kanilang tinututukan dahil ayon sa kanila, malisyoso daw po at mapanirang-puri ‘yung mga binato ko na mga salita kay Dominic Roque,” pahayag ni Cristy.

“Wala pong malisya… kung pinangalanan ko po si Mayor Bullet Jalosjos, magkakaroon po ‘yan ng malisya. Dahil siguradong iisipin niya at ng kanyang mga kapanalig, ‘Eh kasi kampi ka sa Tito, Vic and Joey. Pakawala ka ng TVJ’. Hindi po ako maaaring pakawala ng TVJ. Ako po ay tagasuporta ng Tito, Vic and Joey dahil ako po ay naniniwala at naninindigan sa katotohanan. Sinuman po ang kumakampi sa TVJ ay itinuturing na kalaban itong si Mayor Bullet Jalosjos,” wika pa niya.

Patuloy pa niya, “Wala po akong binanggit na pangalan ni Mayor Bullet Jalosjos. Wala po akong sinabi na siya ay benefactor ni Dominic Roque. Maging kay Ginoong Bong Suntay, hindi ko rin po ginamit ‘yung salitang benefactor. Ibang vloggers po ang nagkabit ng salitang ‘yan sa kanilang dalawa.”

Matatandaang nagsalita na si Dominic kaugnay ng ilang pasabog ni Cristy tungkol sa kanya at sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.

Naglabas si Dominic ng official statement sa pamamagitan ng kanyang mga abogado mula sa Fernandez & Singson Law Offices.

Binigyang-linaw ni Dominic ang ilang tsimis gaya ng pag-aari umano ng politiko ang tinitirhan niyang condo unit, na tila pinalalabas umanong may “benefactor” siyang politician.

Inamin niyang inuupahan niya ang condo unit na pag-aari ng matagal na niyang kaibigang si Jalosjos ngunit hindi raw niya ito “benefactor”.

Pinabulaanan din ni Dominic ang pagkakaugnay kay Congressman Bong Suntay pati na rin ang pagkakaroon umano niya ng gasolinahan.

Itinanggi rin niyang nag-away o hindi sila nagkasundo ni Bea sa prenuptial agreement. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on