WebClick Tracer

‘Handa nang magsilbi-kini’: Rachel Alejandro may hawig raw kay dating VP Leni Robredo

Napa-second look ang mga madlang pipol sa larawang ibinahagi ng singer na si Rachel Alejandro sa kanyang Facebook page.

Akala kasi ng marami ay si dating Vice President Leni Robredo ang nasa larawan na kamukhang kamukha ni Rachel Alejandro sa side view.

Birthday ni Rachel kaya naman naglamyerda siya sa beach sa Puerto Rico. Pero ang nakakatuwa nga ay napagkamalan pa siyang si dating VP Leni.

Kaya naman hindi nagpahuli ang mga netizen sa kanilang nakakatuwang banat sa larawan na ito ni Rachel.

“Napa-second look po kami. 😁😆😅😂 Happy birthday po!”

“Let Leni Lead the summer beach outfit 🙈❤️”

“Handa ng magsilbi-kini!💖💅🏻✨”

“Leni Robredo multiverse! Happy Birthday Ms. Rachel ❤️”

“Sorry, akala ko si Madam Leni. My fault 🥺”
(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on