WebClick Tracer

Alahas ni Heart Evangelista, pwede na pambili ng mansyon!

Bukod sa kanyang elegant avante-garde wedding gown pinagtuunan rin ng pansin ng mga netizen ang malalaking brilyante na suot ni Heart Evangelista sa kanyang renewal of vows kay Sen. Chiz Escudero kamakailan lang na ginanap sa Balesin Island.

Nakakamangha ang mga malalaking batong diamonds ang suot-suot ni Heart sa kanyang leeg, kamay at daliri.

Ilang sandali bago pa ang kasal nakaposte na sa Instagram page ng Harper’s Bazaar magazine Singapore ang pre-wedding photo shoot nito suot ang gown na gawa ng international fashion designer na si Elie Saab.

Masisipat ang mga rhinestones at tila Swarovski jewels na nakaburda sa damit ni Heart.

Binigyang atensyon rin sa message caption ang kuwintas ni Heart na gawa sa pinagsasamang brilyante mula sa mga collection nito sa mga nagdadaang taon at mula sa regalo ng kanyang mga magulang pati na ni Sen. Escudero.

Masisipat sa larawan ang malalaki at iba’t ibang tabas ng brilyante sa kuwintas ng Kapuso star, na kung susumahin ang halaga puwede na umano itong magpagawa ng isang mansion.

Idagdag pa ang bracelet ng Pinay fashion influencer na naglalakihan rin ang mga bato ng brilyante. Isama pa ang nakasuot na singsing sa kanyang daliri na pinakamalaki sa lahat.

Kahit sinong Pilipino star ay mahihirapan umanong pantayan ang mga alahas ni Heart.

“Goddess” “Dyosa” “Queen” “Royalty” “Divine ang komento ng mga netizen sa itsura ni Heart na walang dudang pagkaganda-ganda at pagkayaman-yaman nito sa kanyang kabuuan.

TELETABLOID

Follow Abante News on