WebClick Tracer

Suspek sa pambobomba sa MSU, nasawi sa Lanao del Sur

Isa sa mga suspek na sinasabing nasa likod ng pag-atake ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) noong Disyembre ay napatay sa operasyon ng militar sa Lanao del Sur noong nakaraang buwan, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinumpirma ng AFP ang pagkamatay ni Kadapi Mimbesa kasunod ng sagupaan sa pagitan ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army at mga miyembro ng Dawlah Islamiyah sa Lanao del Sur mula Enero 25 hanggang 26 ngayong taon.

Hindi tinukoy ng AFP kung ilan ang nasawi sa nasabing operasyon.

Iniulat naman nito na nasamsam ang siyam na high-powered firearms, isang bandolier, apat na two-way radio at isang smartphone. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on