WebClick Tracer

Spencer Dinwiddie kumampi kay James, Davis

Napagdesisyunan ng point guard na si Spencer Dinwiddie na lumipat sa Los Angeles Lakers at kumampi kay LeBron James at Anthony Davis.

May average si Dinwiddie na 12.6 puntos at 6.0 assists sa 48 na laro para sa Brooklyn Nets ngayong season.

Ang nasabing point guard ay kikita ng nasa $1.5 milyon para sa natitirang bahagi ng season.

Si Dinwiddie, 30 taong gulang, ay naglaro na rin para sa Detroit Pistons, Washington Wizards at Dallas Mavericks. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on