WebClick Tracer

Sanya Lopez sa pagpanaw ng alaga: ‘Mami-miss ko bawat paghihintay mo sa akin’

Durog ang puso ngayon ng aktres na si Sanya Lopez dahil sa pagpanaw ng kanyang fur baby.

Last January, ipinakilala ni Sanya sa social media ang kanyang aspin na si Mackee.

Napulot niya raw ang very sweet na si Mackee mula sa isang fast food chain habang nanghihingi ng French fries.

Sa Instagram nitong Feb. 11, ibinalita ni Sanya ang pagpanaw ng kanyang alaga.

Nag-share siya ng ilang photo at video ng sweet moment nila together at nilagyan niya ito ng nakakaantig na mensahe para kay Mackee.

“Unang kita palang namin sayo minahal ka agad namin. Sandaling panahon ka lang sa amin pero pinaramdam mo kung gaano mo rin kami kamahal,” wika ni Sanya.

Inilahad din niya ang mga mami-miss niya sa kanyang alagang aso.

“Mamimiss ko bawat paghihintay mo sakin sa labas ng room ko pag gising ko, at nangunguna sa gate pag umuuwi na ko. Bawat pagsusungit mo pag ayaw mo ng magpakiss. Bawat iyak mo kasi ayaw mong wala kang taong kasama kahit isa.

“Mamimiss ko lalo yung tinititigan mo lang ako kahit wala akong ginagawa at magpapacute ka lang bigla kasi gusto mo lang. Sa sandaling panahon ipinahiram ka samin pinasaya mo kaming lahat. Maraming Salamat at nakilala ka namin. Mahal na mahal ka namin. You’ll always be forever in our hearts. Run free my baby Mackee!” saad ng Kapuso actress. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on