WebClick Tracer

Pari kinumpara mga LGBTQ sa ketongin

lgbt1

Inireklamo ng ilang nagsisimba ang isang pari matapos niyang ikumpara sa mga may sakit na ketong ang mga miyembro ng LGBTQ.

Saad ni alyas Peter sa exclusive interview ng Teletabloid, napahiya raw siya sa masasakit na salitang narinig sa homily ng pari sa Sacred Heart Parish.

“Nu’ng oras na ‘yun para akong binuhusan ng malamig na tubig kasi lagi kami doon umuupo sa harap ng upuan… Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, parang gusto kong maglaho nu’ng oras na ‘yun,” hinanakit ni Peter.

“Kasi parang feeling ko lahat ng taong kasama namin na nakikinig sa misa ay kami ‘yung pinagtitinginan ng partner ko kasi kabilang kami sa LGBTQ community.

“Kaya parang nu’ng panahon na ‘yun hindi ko alam kung magagalit ba ako or maglalaho na lang sa kahihiyan kasi parang ‘yung paningin ng tao sa amin,” dagdag pa niya.

Matapos nito’y humingi naman ng dispensa ang naturang pari.

Inamin niyang nagkamali siya sa mga salitang kanyang ginamit na nakasakit ng kanyang kapwa.

Aniya, hindi naman ganoon ang gusto niyang palabasin kundi huwag daw isantabi ang mga miyembro ng LGBTQ. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on