WebClick Tracer

Pagiging sawi sa pag-ibig nakamamatay

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, maaaring makaramdam ng sakit mula sa emotional stress dahil sa isang kondisyon na tinatawag na psychosomatic disorder.

Ito aniya ay isang sikolohikal na kondisyon kung saan ang nararamdaman ng isip at damdamin ay humahantong sa mga pisikal na sintomas.

Kaya naman nagbabala siya na maaari itong humantong sa mga problema katulad ng pagpalya ng puso.

“There are people who can really die from emotional illness,” wika niya sa ulat ng ABS-CBN.

Makakatulong daw upang maiwasan ito ang maghanap ng taong handa kang pakinggan.

“It’s important to talk. Kung ikaw ay isang taong may problema, humanap ka ng taong makikinig. And iyong sa mga tao naman, tenga lang ang kailangan n’yo, makinig lang kayo,” saad ni Herbosa.

Ngayong Valentine’s Day, pinayuhan niya ang mga Pilipinong sawi sa pag-ibig na ingatan ang mental health.

“Makakahanap ka pa ng ibang kapalit, baka mas magaling pa,” wika niya.

TELETABLOID

Follow Abante News on