WebClick Tracer

Nadine Lustre nawindang sa sunod-sunod na hiwalayan sa showbiz

Nawindang si Nadine Lustre sa sunod-sunod na hiwalayan sa showbiz industry.

Magugunitang matapos umamin ni Kathryn Bernardo sa breakup nila ni Daniel Padilla, sumunod namang nagsalita si Kim Chiu at kinumpirma rin ang pagwawakas ng relasyon nila ni Xian Lim.

Pagkatapos nito’y hindi pa rin natahimik sa mga kontrobersiya ang industriya at gumimbal naman sa social media na hindi na matutuloy ang kasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Nausisa si Nadine kung ano ang masasabi niya rito.

Sa ngayon kasi ay non-showbiz ang boyfriend ni Nadine matapos naman ang paghihiwalay nila ng aktor na si James Reid.

“Hala!” ang initial reaction ng aktres sa ibinahaging video sa X ng isang content creator.

“Okay na ako guys. Huwag n’yo na akong isali diyan, okay na ako,” sey pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on