WebClick Tracer

Mayor Albee Benitez nag-sorry kay Ivana Alawi

Humingi ng paumanhin si Bacolod City Mayor Albee Benitez sa Kapamilya actress na si Ivana Alawi.

Kaugnay ito sa pagkaka-link sa kanya ng aktres.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang video kung saan makikitang magkasama sila sa Japan.

Ani Mayor Albee, nasa Tokyo siya for “business trip”.

“I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order,” giit ng alkalde sa kanyang FB post nitong Feb. 11.

Hindi raw totoo ang mga speculation tungkol sa kanila ng sexy actress at isang “chance encounter” lamang ang pagkikita nila.

“Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.”

Kaya naman humingi siya ng paumanhin sa aktres at sa pamilya nito.

“I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them. Maraming salamat po.”

Nauna nang sinabi ni Mayor Albee na bilang isa ring producer, parte lamang ng trabaho niya ang professional interaction sa iba’t ibang celebrity.

Inihayag din ni Ivana na hindi politiko kundi businessman ang kanyang dyowa. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on