WebClick Tracer

Magnitude 5.3 na lindol niyanig Surigao del Sur

Isang magnitude 5.3 na lindol ang tumama sa Siargao Island, Surigao del Sur nitong Lunes ng umaga.

Naramdaman ang Intensity III sa General Luna at Dapa, Intensity II sa Burgos at Claver at Intensity I naman sa Cagdianao, Dinagat Islands.

Sa instrumental intensity, naramdaman ang lindol sa Intensity II sa Surigao City, ang kabisera ng Surigao del Sur.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay sanhi ng Philippine Trench at inaasahan din ang aftershocks.

Wala namang naiulat ang Surigao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinsala o nasaktan mula sa lindol. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on