WebClick Tracer

Kamara hindi binu-bully Senado, mas nagsasalita lang sa national issues – solon

Hindi umano binu-bully ng Kamara de Representantes ang Senado para aprubahan ang Senate Resolution of Both Houses 6 na naglalayong amyendahan ng 1987 Constitution.

Ayon kay House Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, mas nagsasalita lang ngayon ang mga kongresista kaugnay ng mga national issue.

“The House has always been open to discussions with our counterparts in the Senate….but I think it should not be misunderstood,” sabi ni Suarez. “May nabasa kasi ako na binubully daw namin yung Senate. No, not at all.”

“I think what the Senate is realizing now is we have a House of Representatives that is more vocal. Kasi dati, nag-aantay lang kami kung ano gagawin ng Senate, nag-aantay kami, tahimik, kung ano magiging development. But right now, you see the aggressiveness of members of the House when it comes to tackling national issues,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Suarez na malapit sa puso ng mga kongresista ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

“Wala namang bullying na nangyayari. I think what the Senate is seeing is that the House is more vocal when it comes to national issues. The House is more vocal talking about issues close to their heart. The House is reacting to what is happening in our country. And in any democracy, that should be a welcome development,” sabi pa ni Suarez.

Nagbahagi rin si Suarez ng Valentine’s Day wish kay Sen. Nancy Binay, ang nagsabi na binu-bully ng Kamara ang Senado.

“Ako namang ang Valentine’s wish ko para kay Senator Nancy eh sana, ‘Let love rule.’ Di ba? Kung let love rule, mahalin natin yung bansang Pilipinas, bilisan nila yung pagpasa ng RBH 6 para magawa na namin sa House yung trabaho natin at maayos na natin yung Saligang Batas,” dagdag pa ni Suarez. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on