WebClick Tracer

Hindi si Ivana! Vivamax star kasama raw ni Mayor Albee sa bakasyon abroad

Hindi raw si Ivana Alawi ang kasama ni Mayor Albee Benitez sa bakasyon abroad kundi ang Vivamax star umanong si Angeli Khang.

Sa “Marisol Academy” ng Teletabloid, napag-usapan ang pagkaka-link naman ni Mayor Albee kay Angeli.

Ayon kasi sa isang very reliable source ni Abante Tonite showbiz columnist Vinia Vivar, ibang sexy star daw ang kasama ni Mayor Albee sa trip abroad.

Wala raw konek ang nasabing politician kay Ivana at baka napagkamalan lang daw ng mga nakakita ang sexy actress.

Dahil ang kasama umano ni Mayor Albee sa bakasyon ay ang Vivamax star na si Angeli.

Samantala, nakausap ni host Roldan Castro ang manager ni Angeli na si Jojo Veloso.

Wala raw kaalam-alam si Veloso sa pagkakaugnay ng kanyang alaga kay Mayor Albee.

Pero may napansin daw ang manager kay Angeli — hindi raw ngayon nangungulit ang aktres sa TF niya sa Viva.

Ayaw na rin daw nitong magpa-sexy at bet na lang magprodyus, how true?

Nabanggit din sa “Marisol” na umano’y sa Macao, China nagbakasyon sina Angeli at Mayor Albee at hindi sa Japan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on