WebClick Tracer

China Coast Guard sinungaling – PCG 

Pinasinungalingan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pahayag ng China Coast Guard na naitaboy umano nila ang mga barko ng gobyerno noong Pebrero 5 kasunod ng inilunsad na pamamahagi ng tulong sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal.

Sa Bagong Pilipinas public briefing, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na nanatili ang mga barko nila sa Scarborough Shoal sa loob ng siyam na araw sa kabila ng mga panggigitgit at pangha-harass ng mga barko ng China.

Hindi aniya nagpatinag ang mga barko ng gobyerno kaya nagtuloy-tuloy ang pagpatrulya nila hanggang sa makapangsida ng maayos ang mga mangingisdang Pinoy sa lugar.

“The Chinese Coast Guard made that statement as early as February 5, and with our press statement that we did yesterday, ang sinasabi namin, our vessels stayed there until February 9. So, we have videos and photos to support ‘no, that our vessels stayed there from February 1 to February 9. Therefore, obviously, it’s not tact, you know, who’s making this narrative but in reality tayo talaga ang nagsasabi ng totoo dito dahil kung sinabi nilang February 5, pinaalis nila tayo kasama ang mga Pilipinong mangingisda and we have the photos to support na nandidito tayo until February 9, I think that’s already obviousm” ani Tarriela.

Nanindigan ang opisyal na walang nilalabag na batas ang kanilang mga barko sa WPS dahil lahat aniya ng aksiyon ng PCG ay naaayon sa international law, hindi tulad ng ginagawa ng China.

Sa kabila aniya ng mga pinagdaanang mga panggigitgit at mapanganib na maniobra ng mga barko ng China ay matagumpay ang kanilang misyon sa Bajo de Masinloc bilang siuporta sa mga mangingisdang Pinoy.

“On the part of Philippine Coast Guard we believed that our presence and operation in the West Philippine Sea it’s always in accordance with the International Law. Hindi ito katulad ng sinasabi ng China Coast Guards na we are the ones violating the International Law.Our actions and presence is in accordance with the United Nations Convention on the Law of the Sea and we also observed the Collision Regulation to make sure na walang insidenteng mangyayari na ang Philippine Coast Guard ang magpapanimula,” dagdag ni Tarriela.

TELETABLOID

Follow Abante News on