WebClick Tracer

Angara: Publiko matututo sa debate sa economic Cha-cha

Anuman ang kahinatnan sa debate sa panukalang amiyendahan ang Konstitusyon, magsisilbi itong edukasyon sa taumbayan tungkol sa pros at cons ng pag-relax sa restrictive provision ng Charter, ayon kay Senador Sonny Angara.

Si Angara ay chairman ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Sa panayam ng mga reporter matapos ang pagdinig ng Resolution of Both Houses No. 6 (RBH No. 6), sinabi ni Angara na ang diskusyon sa economic provision ng 1987 Constitution ay matagal nang dapat marinig ng taumbayan.

“I think it’s good to go through the exercise kasi first time ito napag-uusapan na detalyado. Lagi ang usapin naka sentro sa pulitikal na probisyon—yung dapat ba na parliamentary system. Sa akin maganda ito para sa ating mga kababayan dahil naririnig nila yung mga argumento, nakapag-iisip din sila at sana makapag debate din sila among themselves,” sabi ni Angara.

“Ang pakay natin dito ay magkaroon ng collective dialogue within the whole country, whether it’s a series of several debates, at least pinaguusapan at naririnig natin boses ng ating kababayan,” dagdag niya.

Nakadalawang pagdinig na ang Senado sa RBH No. 6 na may kinalaman sa panukalang amiyendahan ang ilang economic provision ng Konstitusyon, partikular sa public utilities, education at advertising.

Batay sa mga tinalakay sa dalawang naunang pagdinig, sinabi ni Angara na lumilitaw na mas praktikal umano na magkaroon ng specific na rules patungkol sa foreign investment sa regular ng mga batas.

“Yung batas napapalitan, napag-aaralan, mas mabilis palitan. Eh pag nasa Saligang Batas, parang mahirap palitan,” ani Angara.

Sa susunod na pagdinig inaasahan namang tatalakayin ang constitutional provision sa foreign investments sa public services bago umusad ang subcommittee sa provisions sa education at advertising.

“Sa akin maganda ito para sa ating mga kababayan dahil naririnig nila yung mga argumento, nakapag-iisip din sila at sana makapag debate din sila among themselves. Ang pakay natin dito ay magkaroon ng collective dialogue within the whole country, whether it’s a series of several debates, at least pinaguusapan at naririnig natin boses ng ating kababayan,” sabi pa ni Angara.

TELETABLOID

Follow Abante News on