WebClick Tracer

Alexa Ilacad excited nang maka-sing along ang Rivermaya

Hindi na naitago ng aktres na si Alexa Ilacad ang kanyang pagkasabik na maka-sing along ang Filipino rock band Rivermaya kasama si KD Estrada.

Sa kanyang Instagram, flinex ni Alexa ang ticket nila para sa nalalapit na reunion concert ng banda sa February 17.

“The reunion we’ve all been waiting for is finally about to happen!!” sey ni Alexa.

“We’re so excited to sing along to our favorite OPM classics. Have you got your tickets? WE HAVE!! See you all on Feb 17!!” dagdag pa niya.

Nag-share rin siya ng video habang masaya silang nanonood ni KD ng isa sa performance ng Rivermaya sa stage.

Magaganap ang “Rivermaya The Reunion” sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Muling magkakasama sa one-night show ang mga original member nitong sina Bamboo Mañalac, Rico Blanco, Mark Escueta at Nathan Azarcon. (Issa Santiago)

TELETABLOID

Follow Abante News on