WebClick Tracer

8 ahensiya ng gobyerno, pabor sa economic Cha-cha

Nagkaroon ng mabilisang survey sa isang pagdinig sa Senado kung saan walo sa 10 kinatawan ng ahensiya ng gobyerno ang pumabor sa panukalang amiyendahan ang economic provision ng 1987 Constitution.

Sa ikalawang pagdinig ng Senado sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6, nagtanong si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung sino sa mga resource person na inimbita sa pagdinig ang sang-ayon na rebisahin ang economic provision ng Saligang Batas.

Walo sa 10 kinatawan ng mga ahensiya ng gobyerno na pagdinig ang nagtaas ng kanilang kamay bilang pagpabor sa nasabing panukala.

“I’m late, hindi ko narinig lahat ng mga position ng mga ahensyang nandito. I just would like to get the recapitulation of their positions,” sabi ni Dela Rosa.

Ang mga kinatawan ng ahensiya na dumalo sa pagdinig ng Senate subcommittee on constitutional amendments ang mga sumusunod: National Economic and Development Authority, Department of Finance, Securities and Exchange Commission, Philippine Competition Commission, National Security Council, Department of Trade and Industry, Philippine Economic Zone Authority, at Department of Information and Communication Technology.

Ang subcommittee ay pinamumunuan ni Senador Sonny Angara.

TELETABLOID

Follow Abante News on