WebClick Tracer

‘Jaworski’ nanaksak ng 3 tricycle driver, swak sa kulungan

Bagsak sa kulungan ang isang lalaki matapos manaksak ng tatlong tricycle driver sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District ang suspek na si Jaworski Sermania, 35-anyos, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Nag-iinuman umano ang mga biktimang sina Ruel Tulibas, 28; Melvin Bitas, 33; at Gerald Vacunawa, 35, sa Masinop Street sa Barangay 42 bandang 9:45 ng gabi noong Sabado, Pebrero 10 nang bigla na lamang silang komprontahin ng suspek.

Nauwi sila sa pagtatalo hanggang sa kinuha umano ng suspek ang balisong sa kanyang bulsa at sinaksak si Tulibas sa likuran at ulo.

Sinubukan naman umano nina Bitas at Vacunawa na agawin kay Sermania ang balisong ngunit maging sila’y nasaksak.

Nakatakbo pa umano ang mga biktima pero hinabol pa sila ng suspek hanggang sa makita ng mga tauhan ng barangay ang kaguluhan na siyang tumawag ng pulis at nagresulta sa pagkakadakip sa salarin.

Nasa kustodiya na ng Moriones Police Station at nahaharap sa kasong homicide ang suspek habang nakalabas na umano ng ospital ang mga biktima. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on