WebClick Tracer

bangkay ng korean, bumalaga sa hotel

Isang Korean national ang natagpuang patay sa isang loob ng kuwarto ng hotel sa Brgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna Sabado ng umaga.

Kinilala ng Sta Rosa City police, ang biktima na si Inkyun Na, 56 anyos.

Ayon sa report, nadiskubre ng hotel supervisor ang katawan nito na wala ng buhay sa room 324 ng Sogo Hotel dakong alas 5:00 ng umaga.
sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasang nagkalat ang dugo nito sa kuwarto.

Lumalabas sa pagsusuri ng pulisya na nagpakamatay umano ang dayuhan.

Ayon sa record ng hotel, nag- check-in ito para sa isang araw noong mag-aalas 2:00 ng madaling araw noong Biyernes .

Subalit nang tingnan ng mga staff ng hotel para sa pag-tse-check-out nito, doon na ito nakitang patay.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang talaagang ikinasawi ng biktima.

TELETABLOID

Follow Abante News on