WebClick Tracer

Yassi Pressman, Luigi Villafuerte nagtukaan, kumpirmadong magdyowa!

Malinaw pa sa sinag ng araw ang katotohanang mag-dyowa talaga sina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Mismong si Yassi na ang nagkumpirma nito sa ibinalandra nitong short video shot sa kanyang Instagram na ang front photo ay nasa harap sya ng isang lumang gusali.

Inakala ng mga netizen na pa-andar lang ni Yassi ang post para ibida ang kanyang long gown, pero may pasabog pala ito sa huling section ng kanyang gallery.

Para sana sa pagdalo ni Yassi sa kasal ng isang kaibigan kung saan imbitado silang dalawa ni Gov. Luigi.

Pero may palaman pala itong romansa nila ng pulitiko na animo’y sila ang ikinasal at hindi ang iba.

Una munang matutunghayan ang mga sumunod na larawan na kuha sa venue at photo op nilang dalawa ni Luigi.

Pero sa bandang huli mapapanood na nagtukaan sina Yassi at si Luigi habang nasa ilalim ng mga fireworks na animo’y mga newly weds.

Sey ni Yassi sa caption, “A beautiful night of love. Swipe to the end for a kilig surrrpwiiz.”

Ito pala ang sinasabi nitong “kilig surrrpwiiz,” ang romansa nila ni Gov. Luigi.

Marami ang nag-congratulate kay Yassi sa post, sa paga-akalang ito ang ikinasal. Pero ang ilan natutuwa sa masayang mood ng aktres na tila busog sa pagmamahal kay Luigi. Sabi pa ng mga ito, “I’m happy for you”.

Samantala, nasa okasyon rin si Sue Ramirez na kasama rin ni Yassi sa isa sa mga photo op. Kasintahan naman ni Sue si Javi Benitez, Mayor ng Victorias City sa Negros Occidental. (Rey Pumaloy)

TELETABLOID

Follow Abante News on