WebClick Tracer

James Yap nagpaalam na sa jersey No. 18

mosyonal na nagpaalam sa kanyang jersey No. 18 ang PBA veteran na si James Yap.

Jersey No. 18 na ang gamit ni Yap mula nang pumasok siya sa PBA.

Una siyang kinuha ng Purefoods Tender Juicy Giants taong 2004.

Ito rin ang gamit niyang numero sa mga collegiate at amateur league na kanyang sinalihan.

Kinailangan niya itong bitawan matapos siyang sungkitin ng Blackwater Bossing.

Si Troy Rosario kasi ang may suot ng jersey No. 18 sa Blackwater.

Dahil dito, inanunsiyo ni Yap na jersey No. 15 na ang isusuot niya sa koponan.

“Farewell Eighteen… the jersey number I’ve always had since I started playing serious basketball… from Hua Siong College Iloilo, to UE, to PBL, and then PBA. I guess it’s safe to say that this number will always be a part of me, my career, my whole life,” saad ng tinaguriang “Big Game James” sa Instagram post nitong Feb. 8.

Nagpasalamat siya sa Diyos sa mga blessing, award at championship na natamo niya gamit ang naturang jersey number.

“Grateful ako sa lahat ng hirap at lahat ng saya na dumating sa buhay ko, habang bitbit ko ang number na’to. As I move into a new team, a number will be given to me. Sana suportahan niyo parin ako, wala naman magbabago… iiwanan ko lang ang number 18, pero hindi ang BASKETBALL. Thank you and goodbye number 18, that was a meaningful and unforgettable run. Say hello to your new Bossing, James Yap, number 15,” wika niya.

Nauna nang nangako ang Rain or Shine Elasto Painters na ireretiro nila ang iconic jersey No. 18 bilang pagpaparangal kay Yap. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on