Nasa “ligawan stage” umano sina Atong Ang at Sunshine Cruz, ayon sa source ni “Anything Goes” host Jun Lalin.
Magugunitang naispatang magkasama ang dalawa sa isang event gaya umusbong ang chikang nagdi-date sila.
“According to my source, totoong nanliligaw si Atong Ang. Ligawan stage pa lang po, hindi pa sila magjowa talaga,” wika ni Lalin.
Dagdag pa niya, alam daw ni Gretchen Barretto ang panliligaw ni Atong kay Sunshine.
Hindi rin daw itinatago ni Atong ang panliligaw niya kay Sunshine.
“At mismong sa mga anak ni Atong ay pinakilala na niya si Sunshine,” sey pa ni Lalin.
Dati na raw nanligaw si Atong sa aktres ngunit natigil lamang.
“Nang malaman daw ni Atong Ang na hiwalay na si Sunshine kay Macky Mathay, naghiwalay ata ‘yung dalawa December 2022, so last year 2023 eh nanligaw ulit si Atong kay Sunshine,” sambit pa ng Abante Entertainment editor.
Nauna nang na-link si Atong kay Gretchen ngunit sinasabi ng dalawa na business partner lamang sila.
(IS)


