WebClick Tracer

Jobless Pinoy bumaba sa 3.1% noong Disyembre 2023

Bumaba ang bilang ng mga walang trabahong Pilipino sa huling buwan ng 2023.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkoles, mayroong 1.6 milyong indibidwal na walang trabaho noong December 2023 na mas mababa mula sa 1.83 milyon sa naunang buwan.

May kabuuan itong 3.1% na pinakamababa mula nang pairalin ng PSA ang bagong depinisyon ng “unemployment” noong 2005.

”We welcome the news of a record-low unemployment rate, signifying the economy’s sustained momentum and resiliency of our labor market,” ani Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa isang pahayag.

Napasama naman sa labor force sa month-on-month basis ang karagdagang 658,000 indibidwal.

Samantala, sinabi rin ng ahensiya na naitala ang 11.9 percent underemployment rate noong December 2023, mas mataas sa November figure na 11.7% subalit mas mababa sa 12.6 percent rate na naitala noong 2022. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on