WebClick Tracer

Anak ni Enrile inginuso si Andanar na nasa likod ng mga anti-Marcos vlogger

Isiniwalat ni Katrina Ponce Enrile, anak ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na si former Communications Secretary Martin Andanar ang siya umanong nasa likod ng mga vlogger na bumibira sa administrasyong Marcos, na pinopondohan umano ng China.

Inihayag ito ni Katrina matapos niyang balaan ang publiko laban sa propaganda ng mga vlogger tulad nina Maharlika at Sass Rogando Sasot.

“I just found out also that Martin Andanar is not based here. He is not based in Beijing. He is the one funding all this disinformation like Maharlika, like Sass and all these others,” pahayag ni Katrina sa viral video niya sa X.

Naganap umano ang kanyang talumpati sa isang event ng Cagayan Economic Zone Authority, kung saan siya’y administrator at chief executive officer.

“You want to continue to listen to their rants? Go ahead. But I’m just telling you, they’re being paid from China,” dagdag pa niya.

Si Andanar ay dating Presidential Communications Operations Office secretary ng Duterte administration.

(IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on