WebClick Tracer

Kapamilya pa rin: Kathryn Bernardo nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN

Muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN sa ilalim ng Star Magic ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa Instagram page ng Star Magic, ibinahagi ang ilang litrato ng naganap na contract signing ni Kathryn nitong Pebrero 2.

Nakasuot si Kathryn ng green top at black na mini skirt.

Nagdiwang naman ang mga fan ng aktres sa bagong milestone na ito sa kanilang idolo matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan kay Daniel Padilla.

“Nakakaiyak ka Kath, congratulations. Dami talaga nagmamahal sayo Kath. Naiyak ako kay Mami Min eh,” sey ng isang faney.

“Congratulations Kathryn Bernardo and ABS-CBN solid Kapamilya,” sambit ng isa.

“Love you Kath for staying a true blooded kapamilya,” comment naman ng isa pa. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on